1. Ano ang Payroll Cash Advance?
Ang Payroll Cash Advance ay isang PSBank loan facility kung saan maaaring mag-avail ng short-term loan ang ilang piling kustomer na may payroll account sa Metrobank. Sila ay maaring mag-cash advance ng pre-determined na halaga, gamit ang kanilang Metrobank Payroll Debit Card sa kahit aling Metrobank at PSBank ATM.
2. Paano ako makapag-avail ng Payroll Cash Advance? Kailangan pa bang mag fill-out ng Loan Application Form?
Hindi na kailangang mag fill-out o mag-submit ng loan application upang makapag-avail ng Payroll Cash Advance. Ang mga piling kustomer ay makakatanggap ng electronic mailer (“e-mail”) at text message (SMS) na nagsasabing maaari nilang gamitin ang serbisyong ito.
3. Maaari na ba ako makapag-Payroll Cash Advance matapos makatanggap ng e-mail o text mula sa Metrobank?
Pagkatanggap ng email o text message na nagsasabing qualified ka para sa cash advance, basahin nang mabuti ang mga Terms and Conditions ng Payroll Cash Advance Facility. Ang link patungo sa T&C ay nasa email na matatanggap mo. Pagkatapos basahin, maari ka nang pumunta sa pinakamalapit na Metrobank o PSBank ATM.
4. Paano mag-Payroll Cash Advance sa ATM ng Metrobank o PSBank?
Sundin ang mga sumusunod upang gamitin ang Payroll Cash Advance:
a. Sa ATM, ipasok ang iyong ATM card at i-type ang PIN. Piliin ang “Payroll Cash Advance” sa listahan ng mga pwedeng gawing transaksyon.
b. Sumang-ayon sa mga Payroll Cash Advance Facility Terms and Conditions sa pamamagitan ng “Agree” button.
c. Makikita sa screen ng ATM ang iyong Cash Advance Limit, transaction fee, at kung paano ito babayaran.
d. I-type ang cash amount na nais mong i-advance. Kunin ang cash at transaction receipt.
Maaari mo lamang gamitin ang Payroll Cash Advance Facility matapos sumang-ayon sa T&C na mababasa sa ATM Screen. Ang T&C sa ATM Screen ay summary ng naka-link na T&C sa natanggap mong e-mail.
MAHALAGANG PAALALA: Nararapat na basahing mabuti ang buong T&C bago mag-Payroll Cash Advance.
5. Magkano ang Transaction Fee? Ano ang interest, service fees, at iba pang charges na babayaran ko kapag nag avail?
Ang Cash Advance Limit ay ang halaga ng cash advance na maaring i-avail. Pre-approved ito at nag-iiba sa bawat kustomer. Naka-base ito sa net na sweldong natanggap ng kustomer sa nagdaang anim (6) na buwan. Makikita ito sa ATM Screen matapos kang sumang ayon sa T&C. Bawas na rin ang Transaction fee mula rito at rounded down.
6. Ano ang Cash Advance Limit?
Ang Cash Advance Limit ay ang halaga ng cash advance na maaring i-avail. Pre-approved ito at nag-iiba sa bawat kustomer. Naka-base ito sa net na sweldong natanggap ng kustomer sa nagdaang anim (6) na buwan. Makikita ito sa ATM Screen matapos kang sumang ayon sa T&C. Bawas na rin ang Transaction fee mula rito at rounded down.
Halimbawa:
Nabigyan si Anna ng Payroll Cash Advance Limit na PHP 8,000. Ang makikitang halaga ni Anna sa ATM screen ay PHP 7,800 (PHP 8,000 - PHP125 = PHP 7,875 or PHP 7,800, rounded down).
7. Magkano at ilang ulit ako maaaring mag avail?
Basta hindi lumagpas sa iyong limit, maaring ilang ulit ang iyong pag-avail ng cash advance. Dapat mahahati sa PHP100 ang halaga.
Halimbawa:
8. Maaari bang mag-request na lakihan ang aking Cash Advance Limit?
Hindi maaring humiling na lakihan ito. Ang Cash Advance Limit ay nakabase sa iyong net na sweldo.
9. Kelan dapat bayaran ang Payroll Cash Advance?
Ang iyong cash advance ay i-binabawas sa iyong susunod na sweldo.
Mga Halimbawa:
10. Paano ko babayaran ang na-Cash Advance ko?
Automatic na ibabawas ang nakuhang cash advance sa iyong payroll account sa darating na sweldo. Isa itong kondisyon na nakatala sa Payroll Cash Advance Terms and Conditions.
Balikan ang halimbawa sa No.9. Ang bayad ni Anna ay made-deduct sa ika-15 ng Hunyo habang sa ika-12 ng Hunyo naman ang bayad ni Flynn.
11. Paano kung kulang ang halaga sa account ko upang mabayaran ang na- cash advance?
Makakaltasan ka ng Late Payment Fee (LPF) na katumbas ng 3% ng total amount due kada buwan mula sa unang (1) araw na mag-past due ka. Maaaring magbayad, gamit ang Bills Payment, sa kahit saang Metrobank or PSBank branch. Ang babayaran ay binuboo ng cash advance amount + transaction fee/s + LPF.
Halimbawa:
Ang kabayaran ng cash advance ni Anna ay nakatakda sa ika-15 ng Hunyo, ngunit hindi sapat ang balance ng kanyang account upang ma-deduct ang tamang halaga mula rito. Magiging past due ang account ni Anna simula sa ika-16 ng Hunyo.
12. Maaari bang magbayad ng overdue balance sa mobile or internet banking?
Sa ngayon, maaari lamang magbayad ng iyong overdue Payroll Cash Advance sa Metrobank o PSBank branches via Bills Payment.
13. Maaari bang magbayad bago ang due date?
Oo. Tumungo lamang sa pinakamalapit na Metrobank o PSBank branch at mag-Bills Payment. Upang malaman ang iyong loan account number, tumawag sa PSBank Customer Experience Hotline (632) 8845-8888 o magpadala ng email sa customerexperience@psbank.com.ph
14. Makikita ko ba ang deduction ng Cash Advance sa payslip ko?
Hindi mo makikita ang deduction sa iyong payslip.
15. Paano ko makikita ang aking mga availment at outstanding balance?
Upang makita ang iyong mga availment, tumawag sa PSBank Customer Experience Hotline (632) 8845-8888 o magpadala ng email sa customerexperience@psbank.com.ph at humingi ng Statement of Account.
16. Paano kung walang lumabas na pera mula sa ATM matapos mag-Payroll Cash Advance?
I-report ito agad sa kahit saang Metrobank branch o tumawag sa Metrobank Contact Center (02) 88-700-700 (Metro Manila) o 1-800-1888-5775 (Domestic Toll Free) o magpadala ng e-mail sa customercare@metrobank.com.ph.
17. Ano maaari kong gawin kapag may unauthorized Payroll Cash Advance na transaksyon sa aking account?
I-report ito agad sa kahit saang Metrobank branch o tumawag sa Metrobank Contact Center (02) 88-700-700 (Metro Manila) o 1-800-1888-5775 (Domestic Toll Free) o magpadala ng e-mail sa customercare@metrobank.com.ph.
18. Paano kung nawala ang aking Metrobank Payroll ATM/Debit Card?
Pumunta agad sa pinakamalapit na Metrobank branch upang mapalitan ang iyong payroll debit card.
19. Sino ang pwedeng pag-tanungan tungkol sa aking access sa Payroll Cash Advance Facility?
Sa mga tanong ukol sa pag-access ng Payroll Cash Advance Facility, maaaring tumawag sa PSBank Customer Experience Hotline at (632) 8845-8888 o magpadala ng email sa customerexperience@psbank.com.ph.
20. Maaari ko bang i-cancel o i-terminate ang aking access sa Payroll Cash Advance facility? Saan ako maaaring tumawag o magtanong?
Oo, maaari mong i-cancel o i-terminate ang access mo sa Payroll Cash Advance facility. Mag-request sa pamamagitan ng pagtawag sa PSBank Customer Experience Hotline at (632) 8845-8888 o magpadala ng email sa customerexperience@psbank.com.ph.